what will you do?
if the greatest strength you know you have suddenly tears apart..
if your eyes won't stop crying..
if your heart won't stop hurting..
if everyone is protecting me then why am i still hurting badly?
your greatest strength is really your greatest weakness..
xet, mababaliw na tlga ko!
Tuesday, March 30, 2010
=(
Posted by melai at 12:45 PM 0 comments
Wednesday, March 17, 2010
miss ko na si bestfriend
iba pala pag super duper layo mo sis.. dati kahit ilang linggo tayo minsang hindi magtext, alam kong isang text ko lang pwede tayong magkita anytime.. ang lonely ng pinas pag wala ka..
love na love kita sis! can't wait to see you again =)
Posted by melai at 10:07 AM 2 comments
Tuesday, March 16, 2010
sorry
hindi ko alam kung napapadaan ka dito or naiisip mo man lang basahin to para tingnan kung kmusta na ko.. pero isusulat ko pa rin to, hoping and trusting na may pakeelam ka pa rin kahit papano.. if ever, eto na siguro ang pinakahuling sulat na gagawin ko para sayo.. we've said our goodbyes a million times throughout the years, pero somehow there's always something that brings us back together.. of all those times, eto na yta ang pinakatotoo, siguro kasi ngayon mo lang ako tinanggal sa friendster at facebook mo or ngayon mo lang ako sinagot ng "who you" sa text nung knumusta kita, mababaw pero masakit.. alam ko isasagot mo, ang kapal naman ng mukha ko para magreklamong nasasaktan ako eh ikaw nga mas nasaktan ko.. hindi na ko makkipagkompitensya kung sinong mas nasasaktan dito.. meron na lang akong mga bagay na gustong sabihin tlga
SALAMAT
-sa pagpapahiram ng intrams shirt mo nung gradeschool ka pa at klangan kong sumayaw sa grounds pero wla kong intrams shirt
-sa chocomint nung una tayong nagkausap
-sa pagsama sakin pag nag-aaral o tumatambay ako sa canteen pag umaga at first trip pa ko
-sa pagkausap sakin sa phone ng buong magdamag kahit pinapagalitan ka na ng mommy at daddy mo
-sa pag-intindi na hndi ako nakikipag-usap o nakikipagharutan pag may periodical test
-sa pagkampi sakin palagi pag may kaaway ako, kahit kaibigan mo pa ang sinusugod ko
-sa pagbubuhat ng mga malalaking balloons para sakin
-sa pagttyagang sundan ako kahit san ako magpunta
-sa mga sulyap at nakakatunaw na titig mo
-sa away bati na mga eksena dahil sa pagseselos ko
-sa tatlong taong paghihintay
-sa pagpapakita sakin ng totoong pagmamahal
-sa mga pagsusungit at pangugulit mo
-sa pag-aalaga, pagbabantay at pagpupuyat pag may sakit ako
-sa paglilinis ng bahay
-sa mga pag-iintindi mo
-sa pagtitimpla ng gatas bago ko matulog
-sa pagkanta kahit napipilitan ka lang
-sa pagluluto ng chopsuey at tinola
-sa mga bagay na tinuro mo
-sa lahat ng impromptu out of town natin
-sa pag-iwan sa kanilang lahat para sakin
-sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
-sa pagtitiis kahit nasasaktan ka na
-sa mga yakap mo
-sa pagiging kaibigan
-sa pagiging laging present pag klangan kita
-sa lahat lahat ng memories sa ilang taon natin
-sa pagmamahal mo
Maraming maraming bagay pa ang dapat kong ipagpasalamat. Half of my life can't be put into a list like this. Thank you for spending a decade with me, for being my everything in the past years.
Akala ko dati pag nagbreak na tayo, i won't be sorry for anything kasi alam kong nabigay ko na talaga lahat, nagawa ko na lahat ng kaya ko para magwork ung relationship natin. Pero isang iyak mo lang, pakiramdam ko kulang pa lahat ng ginawa ko sa ilang taon. I will be forever sorry for every pain i have caused you. Kung hindi mo na talaga ko mapapatawad ever, maiintindihan ko. Pero SANA, SANA TALAGA, dumating yung time na kausapin mo na ko ulit. Forgetting you is the last thing i can do. Ilang ulit ko na rin sinubukan yan, pero hindi ko talaga kaya.
I may not love you as much as before but you will always have that special place in my heart and in my life na walang makakakuha kahit sino. Alam mo un, ayaw mo lang paniwalaan.
Kaya hindi na kita pinigilan nung nagpaalam ka sa text, kasi ayoko na maging selfish, nahihirapan at nasasaktan ka rin. Ayokong matali ka sakin or sa nakaraan natin. Trust me, sobrang mahirap din sakin to pero i'm letting you go na.. i'm setting you free.. sana by now, napakawalan mo na rin ang sarili mo..
Naalala mo ba kung bakit kita napaghintay ng tatlong taon bago maging tayo? Dahil natatakot akong mangyari to.. Na wala ng matira satin pagkatapos ng relasyon. Sobrang namimiss na kita. Sana in time, maging magkaibigan ulit tayo. Kahit magsimula ulit tayo sa simula.
Pag dumating ung time na may problema ka at naisip mong kelangan mo ko, itext mo lang ako. Kahit anong mangyari, kahit hndi mo paniwalaan, isa ka pa rin sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Walang makakapagpabago non.. noon, ngayon at sa lahat ng bukas..
Posted by melai at 12:47 PM 0 comments
Tuesday, March 2, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)
